Ang buwan ng Wika'y ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto. Ang ating wika'y ang kaluluwa ng ating lahi.
Ang tema ng Buwan ng Wika ay "Ang Wika Natin ang Daang Matuwid". Nagsasaad na ang paggamit natin ng ating sariling wika'y nakatutulong sa pag-angat ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isa sa mga demokratikong bansa sa Asya na kung saan, may iisang wika, ang Wikang Filipino. Kapag walang iisang wika ang ating bansa, malamang ay 'di tayo magkakasundo o magkakaintindihan at wala tayong ikauunlad. Ang ating ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon ay siyang naglayon ng pambansang wika upang maging maunlad tayo. Marami mang dumating na ibang lahi dito sa ating bansa ang wika natin ay magiging matatag.
Sa makatuwid ang Buwan ng Wika ay naglalayon na ipaalala na dapat nating gamitin ang ating wika sa mabuti at upang tayon'y magkaintindihan. At malamang sa susunod pang henerasyon mas maunlad pa ang Pilipanas.